Toggle Menu

Atat by Ron Henley Lyrics

Di nako makapaghintay,
Makatulog,
Managinip
Hawak ang yong kamay,
Samay sulok,
Sa may gilid
Ang ibig kong sabihin ay,
Di man kita maabot pero pag ako ay
Nakahiga tayo ay nagpapantay,
Mata sa mata,
Ilong sa ilong,
Bibig sa bibig
Mga halik sa leeg
Kasabay ng mga kanta na nakakakilig
Ang sarap makinig
Habang dumidila ka pababa ng dibdib
Pababa sa lugar kung saan ay liblib
Sa lakas ng huni ay sumasabay pati ang mga kuliglig
Ako ay atat na atat na sapagkat
Nalulungkot ang inyong lingkod
Sana magpakita kana pag di ka sumipot
Nako po hindot!
Alam mo bang kung ang laro ay taguan
Ako ang laging taya
Hinahanap-Hanap kita
Di kita matagpuan nasan ka kaya?

Busog ang lahat ng buwaya kasi ika’y makalaglag matsing
Kaso matigas ang iyong leeg sa katulad ko,
Di ka namamansin
Sana ang pagibig ay katulad ng pamasahe sa jeep
Sa trike, sa bus at sa tren
Kahit buo ang binibigay mo sana kahit papano may sukli kaparin

Mga kamay ko ay nalulumbay,
Di makapaghintay
Mahawakan ang sayo
Mahawakan mahawakan ang sayo
At ang labi ko ay nangungulila,
Sana nga ay madampian ng iyo,
ng iyo
ng iyo
Madampian ng iyo…

Di nako makapaghintay,
Makatulog,
Managinip
Sakaling maka akbay,
Samay sulok,
Sa may gilid
Walang mga matang nagbabantay,
Tara humiga kasa aking tabi
ng tayo ay magpantay
Nagbabasahan ng mga utak,
Tila nagpapasahan ng mga sulat
Takpan man ng mga ulap,
Buo parin ang pangungusap ng mga matang nag uusap
Sa init ng ating katawan daig pa ang disyerto,
Ang malamig na silid at presko panandaliang naging impyerno

Kahit saan ang pwesto,
Tuloy parin ang kwento
Masigabong palakpakan pagkatapos ng konsyerto
Sago’t Gulaman,
Gin
Pomelo
Saging
Con hielo
Isang modelo
Isang kuneho,
Magkakaiba man pero swak pareho
Sa mundogn to terno tayo ng kulay
Magkasalungat sa tunay na buhay
Ikaw yung orig na nahalo sa ukay
Ako yung prutas na naakit sa gulay
Buti nalang wala kang kasama,
Pagkakataon upang makilala
Bago ko lang matuldukan,
Subukan nating simulan sa comma.

Mga kamay ko ay nalulumbay,
Di makapaghintay
Mahawakan ang sayo
Mahawakan mahawakan ang sayo
At ang labi ko ay nangungulila,
Sana nga ay madampian ng iyo
ng iyo,
ng iyo
Madampian ng iyo…

Akoy’ atat na atat na,
Akoy’ atat na atat na,
Akoy’ atat na atat na,
Madampian ng iyo.
Akoy’ atat na atat na,
Akoy’ atat na atat na,
Akoy’ atat na atat na,
Madampian ng iyo.

Di na ako makapag hintay,
Malalim na ang gabi
Makunat na ang tinapay
Malamig na ang kape
Di na mapakali,
Nandyan kanaba?
Dalian mo naman para mahaba ang oras nating dalawa

May usapan tayo alas dose,
Wag kang makalimot
Wala ka sa tulay ng San Juanico,
Wag kang magpakipot
Punuan man ang puso mo,
Wala sanang magalit
Handa akong sumabit ayos lang kahit mangawit dahil

Mga kamay ko ay nalulumbay,
Di makapaghintay
Mahawakan ang sayo
Mahawakan mahawakan ang sayo
At ang labi ko ay nangungulila,
Sana nga ay madampian ng iyo
ng iyo,
ng iyo
Madampian ng iyo…

Wag na nating ipagpabukas pa,
(Akoy atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na
(madampian ang iyo)
Wag na nating ipagpabukas pa,
(Akoy atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na
(madampian ang iyo)
Wag na nating ipagpabukas pa,
(Akoy atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na
(madampian ang iyo)
Wag na nating ipagpabukas pa,
(Akoy atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na
(madampian ang iyo)

Download

See more mp3 by Ron Henley
web site hit counter